Sunday, November 20, 2016

Nagseselos ako

Mahal kita.. Mahal na Mahal kita.. 
Sa iilang mga tao na aking nakarelasyon
Sa iyo ko lamang ito nadama
Ikaw lang yung gusto kong ipagdamot
Ikaw lang yung gusto kong palagi kong kasama
Gusto ko akin ka lang, akin ka lang...

Ngunit ano ba magagawa ko..
Oo alam kong wala naman akong dapat ika-lungkot...
Oo alam kong wala naman akong dapat ika-selos...
Kaibigan ko lang naman yung iyong sinamahan at tinulungan..
Andoon din sana ako, kaso kelangan din nila ako dito..

Ayokong magselos... Ayokong maging maramot..
Pero natatakot ako... Paano kung magustuhan mo siya?
Paano kung mabigay niya yung mga bagay na hindi ko kaya?
Paano kung maging mas masaya ka sakaniya kahit saglit lang kayong nagkakilala.. 
Paano tayo... Paano ako...

Ayoko magselos... pero nalulungkot ako
Unang beses ko lang mabaliw, kakaisip ng ganito..
Unang beses ko lang nakaramdam na may gusto akong ipagdamot..
Sana akin ka lang... akin ka paren...
Sana ako paren yung mahal mo... sana hindi ka nagbago..

Alam kong nag-iisip lamang ako ng matindi...
Alam kong Mahal mo paren naman ako...
Alam kong dapat wala akong ipag-alala...
Pero bakit ganito? ang bigat sa pakiramdam na may iba kang kasama...
Iba yung nakasama mong nakatawa...
Iba yung nakasama mong pumunta sa mga lugar na bago sayo..
Iba yung nakasama mo sa mga lugar na sana tayo ang andun..

Nakakalungkot.. nakaka-iyak... 

Oo..
Nagseselos ako...
Nagseselos ako kasi iba ang nakasama mo
Nagseselos ako kasi ayokong mapunta ka sa iba
Nagseselos ako kasi iba ang iyong nakasama

Sorry ha... 

Alam kong wala naman akong dapat ipagselos...
Bago lang din sakin ang pakiramdam na ganito....
Ngayon lang din ako namulat sa ganitong pakiramdam...
Ngayon lang akong natakot na mawalan ng taong sobra-sobra kong Mahal..

Mahal kita...
Mahal kita ng sobra-sobra...
Sorry kung hindi ko to masabi sayo ng direkta...
Ayokong malungkot ka...
Ayokong ibahin mo yung sarili mo para lang sa aking nadarama..

Mahal kita.. Mahal na mahal..
Sana.. wag kang mawawala...

PandaXMeow

No comments:

Post a Comment