Friday, November 25, 2016

Mga Kaibigan

So nakakausap mo na mga kaibigan ko
na-add ka na din mga katropa ko
saya nila kausap di ba?
sila nga pala yung 2nd family ko
sana mag enjoy kang makipagkilala sakanila
sure naman akong maeenjoy mo yun

kami sa tropa, iba iba kame
kumba, unique personality kaming lahat
May Laidback Genius          
May Joker na Initiator
May Malanding Chef
May Glamorous artist
May Poging Maganda
May Baklang Gamer
May Sexing Rakista
May Dancer na Writer
May Malibog na Poodle
May Caring na Pusa  
May Poging Gitarista
May Oso

And now that you're with me,
Welcome to my family!
To my circle rather.

Sana Makilala mo sila, at makasundo mo sa mga bagay bagay
Don't worry, di naman sila na-ngangagat ahahaha

Even then
Enjoy po :)

*Grizzly on the sides*


Wednesday, November 23, 2016

Sabroso

Ngayong araw na ito, ay napag planuhan namen ni Meow na kumain sa labas.
Supposedly, eh pupunta sana kame dun sa event ng Adamson kung saan ay meron silang acoustic night event, kaso, hindi siya pinayagan sakanila, kaya heto kame, inaya ko siya sa isang masarap na kainan sa bacood, ang Sabroso.

Alas-tres ng hapon nung umalis ako ng bahay, medyo na-delay pa nga ako at nahumaling ako sa panonood ng "I Am Hero(2015)" na nakita kong nakapost sa Facebook. Ang pelikula na ito ay gawa ng hapon, kung saan ang storya ay umiikot sa isang "Manga artist" at ang lugar nila ay nagkaroon ng epidemya na kung saan ay ang mga tao ay nagiging "Zombie". Pero hindi naman tungkol dito ung kwento ko so, kayo na mismo ung manood. PRAMIS MAGANDA! hahahaha.

Nagbihis ako ng pang wash-day namen sa FEU, kala ko kase aabotan ko sila ng kasama niya bago sila mag log-out, kaso.. ayun nga, e nahuli ako hahaha.. mga 15 mins lang naman hahaa..
nakarating ako sa FEU ng 4:15pm. naka light blue na maong pants, at naka tamarraw na yellow shirt, may dalang slingbag, at payong. Nagpm siya saken na sa 7-11 na lamang niya ako hihintayin.
Grabe, ang pogi talaga ng Meow ko, naka dark-green polo shirt at naka maong pants, at ang bango bango niya. Taas kamay talaga ako sakaniya! kaya mahal na mahal ko siya. 
Masipag si Meow ko, currently nag o-OJT siya sa FEU bilang isang guidance apprentice. Maaga silang nagpa-alam na mag-out sa kadahilanan na ay event nga sana dun sa Eskuwelahan nila, kaso ayun nga. tulad ng sabi ko kanina eh, hindi siya pinayagan ng Tito at Tita niya. 
Sayang nga eh! ang mga banda na nagpasigaw ng mga puso ng mga manonood nila ay ang mga sumusunod: SUD, Benny Bunny Band, Autotelic Miles Experience, and Jensen & The Flips!
Letse!, sayang talaga pero wala naman akong magagawa. Kahit umattend ako ng concert nila, ay hindi paren magiging kompleto ang gabi ko kung hindi ko kasama ang pinakamamahal ko sa buhay ko, wala ng iba kung ang Meow ko! 

Nagkamustahan kame sa 7-11, tinanong ko kung anong balita sa OJT nila, kung musta araw niya, benign nga naman daw at onti na lang yung may mga problema sa academic status. Hay salamat! hindi na nila masyadong pinapahirapan yung mahal ko!!! 
pagkatapos niya mag kwento, ay ako naman yung nagkwento sakaniya.. Nung nakaraang gabi ay may nagPM saken na dati kong nakalandian sa chat. well CHAT LANG NAMAN, kaya wag niyo kong pag-isipan ng masama please! so nagkamustahan lang kame, and eto na. nagsabi siya na gusto niya daw na maghangout kame!! well pwede naman, sabi ko sakanya ay pwede naman, kaso hanggang hang-out na lang at taken na ako. Sino ba namang may gusto na Taken ka na at may ka-sex ka pang iba diba? besides, mahal na mahal ko si Meow ko. so shut up na lang siya hahahaha!. kinuwento ko eto kay mahal, at pinakita ko sakanya ung chat namen, natawa siya hahaha.

Bumaba na kame ng 7-11, pag dating namen sa may pinto, ay kinuha ko yung bag niya, sabay asar ng "Mahal, may isang taon ka pa para lumaki, akin na yang mabigat na bagpack mo" grabe, sinapak niya ko ng todo at maraming beses sa braso ko, hahaha hindi ko napigilan kiligin. pano ba naman! mas maliit sayo ung mahal mo, pogi na, tapos ang cute cute pa maasar! saan ka pa diba!

Naglakad kame patungo sa sakayan, nang napadaan kame sa may bukanan ng Hepa-lane, kung saan ay naroon yung mga nagbebenta ng Bananaque, Kamoteque, Turon, Maruya, pati ung isang bilog-bilog. Napahinto si Mahal, "Mahal, gusto ko mag bananaque." syempre, hinila ko siya at pumunta kame dun sa stall, ng biglaan niya kong hinila at wag na lang daw kase kakain naman daw kame. tapos hinila ko siya pabalik. "Mahal, isipin mo na lang ay appetizer naten ito hahaha". Bumili kame, pero hidni Bananaque yung binili niya na pang kanya, kundi Kamoteque, to be fair, bumili na din ako ng bananaque. grabe kung alam niyo lang! halos dalawa o tatlong taon na ata ako hindi nakakakain ng bananaque! ANG SARAP! hahahah nakakamiss yung brown sugar at yung init ng saging sa bibig mo!. 

Naglakad kame habang kumakain, hawak ko kamay niya, hawak niya din ung akin. Syempre, bibitaw din siya para sa kamoteque niya, ang masayang parte dun sa paglalakad na yun ay nagsusubuan kame ng kinakain namen sa isa't isa. Maraming tao sa paligid, pero wala kaming paki sakanila. wala kaming pake kung pagtinginan kame, kung husgahan nila kame. ang importante ay kame, at hindi sila. Matapos naming umusin ung kinakain namen, balik nanaman kame sa paghawak kamay. Grabe, kinilig talaga ako tuwing ginagawa namen yun. Malandi man sa mata ng iba, o PDA man sa mata ng iba, Iba paren talaga pag hawak mo ang kamay ng taong gusto at mahal mo, na para bang, may assurance na agad na hindi kayo magkakalayo, na para bang kahit anong mangyare, eh andyan kayo sa isa't isa. Yun yung importante para samen, yung kame.

Sumakay kame ng Punta-Quiapo, bumaba kame ng Stop n Shop, at sumakay kame pa-Bacood.
Sa jeep ng pa-Bacood, Doon kami sa tabi ng driver umupo, siya ung nasagitna namen ng driver.
Nung nag bayad kame, sabe ko dalawang estudyante kame, e pareho kaming naka civilian, so ang sama ng tingin nung driver samen hahaha. habang nagpupuno siya ng pasahero niya, well aaminin ko naman na medyo naglandian kame, holding hands, halik sa kamay, kiss sa pisngi, kiss sa lips (smack lang ha!), at nagbubulungan ng I Love You. wala lang, gusto lang namen ulit ulitin saming dalawa kung gaano namen kamahal ang isa't isa, napapakwento siya sa mga ginawa nila nung Linggo kasama nung kaibigan ko, grabe, hanggang ngayon medyo nagseselos paren ako sakanila, pero ano pa nga ba magagawa ko di ba? Kelangan kong pagkatiwalaan sila, at naniniwala din naman talaga akong wala silang ginawang hindi karapat-dapat. kung may ginawa man sila, e putcha! bibigti na ko! hahaha
nung nagsmack kiss kame sa lips, hindi ko napansin na may ale sa likod namen, grabe napatingin sya samen ng napakatagal, sabay ngiti. sa isip-isip ko ay, "grabe, ano kaya iniisip neto ni nanay, na umuulan ng bakla dito sa sanlibutan? o swerte namen dahil mahal namen ang isa't isa?" 
tumawa na lang ako, at hinawakan ng mabuti ung kamay ng mahal ko.

Bumaba kame sa Katwiran St., isang kanto bago mag Fatima Church sa Bacood. naglakad kame papunta dun sa kakainan namen, ang Sabroso. habang naglalakad kame, e tila wala talaga kaming paki sa paligid namen! magkaholding-hands at may sway-sway pa! o ha! hahaha. 
Nung nakarating na kame dun sa lugar, ay natuwa siya at maganda yung concept nung lugar, na para bang inaaya kang kalimutan yung lugar sa labas. May mga motivational pictures sila, creative, hand-paint figures sa walls, picnic style tables, at napaka friendly na crews. Pumila na kame dun sa pag-oorderan, at pinapili ko siya. nung wala siyang maisip eh kinausap ko na ung kahera,

Ako: Ate, maliban po dun sa hot chilicon, ano pa po yung maanghang na burger niyo?
Kahera: nako Sir, yun lang po talaga yung maanghang namen sa burgers
Ako: Ganun po ba? nakukulangan po kasi ako dun sa anghang nila, pero masarap siya!
Kahera: Oo nga Sir e, kahit ako hindi din na-aanghangan hahaha
Ako: E ate, ano po best seller niyo dito?
Kahero: Double Decker, Aloha, Cheese Burger Mushroom Melt (not sure about this one, pero eto ung naalala ko haha) 
Ako: O Mahal, ano dun sa tatlo ung trip mo! ako Aloha
Meow: Ha?  eeeee... Cheese Burger Mushroom Melt na lang po yung akin!
Kahera: Po Sir? ano po ulet ung Order? 
Ako: Isang Aloha, at isang Cheese burger mushroom melt poooo
Kahera; Drinks po sir? may Milkshake po kame 
Ako: Mahal, Pili ka na ng milkshake mo!
Meow: Yung Macha po yung akin!
Ako: hmmmmm (napapa-isip na ko ng mas mura ng onti, kase off-budget na kame if nag isa pa kaming milkshake)
Kahera: Sir, may bago po kami, Java chip po, baka gusto niyo pong itry
Ako: Ah Sige pooo *sabay bigay ng extra 100 dun sa 300 na binigay ko kay Mahal na pambayad namen*
Meow: Ahhh, yung akin po ate papalitan na lang po ng Rootbeer float.
Kahera: ah so tatanggalin na po ba yung macha?
Meow: Opo....
Ako: Ah miss ganito na lang po, patanggal na lang po ung Javachip tapos yun yung gawin niyong rootbeer, then maintain po ung Macha. Salamat poooo
Kahera: *Napangiti* sige po sir repeat order ko lang po. Isang Aloha, Isang Cheese burger mushroom melt, isang Rootbeer float at isang Macha milkshake po.
Ako: Opo!! 
Kahera: P315.00 po lahat Sir,
Ako: NICE! Mahal isip ka ng appetizer! ano gusto mo, nachos o fries?
Meow: ha? eh? haaaa?! Miss, ano po ung mas marami? or gano po karami ung nachos and fries?
Crew: *dumaan na may dalang nachos at fries*
Kahera: kuya sandali lang, *napahinto ung crew* Sir, ganito po karami.
Ako: *natawa kasi napaka coincident hahaha*
Meow: Sige po ung nachos na lang po
Kahera: sige po sir, eto po change niyo, P25.00. and here's your table number [12]

After namen sa counter, hinawakan ko yung kamay ni Mahal, at pumunta kame sa kabilang building nila, dun kame sa second floor, at supposedly e kukunin namen ung balcony area. Sadly, may nakaupo ng dalawang lalake dun sa balcony, so dun na lang muna kame sa loob. 
kumuha kame ng iilang mga litrato, and nagagandahan nga siya dun sa lugar. ang ganda daw ng concept, and sulit ung ginawa nila na para bang, everything you see and eat there are all worth its cost. kumuha kame ng mustard, ketchup, at hotsauce. maraming tissue, at apat na plastic gloves. habang kumukuha kame ng mga literato namen, e ung grupo sa likod namen, mga 12 sila, e tingin ng tingin samen. edi napapakwento ako kay Mahal, 10-15 mins, ay natapos na kumain yung dalawang lalaki sa balcony, at agad agad kaming lumipat sa table nila. Nung nagtrasfer kame, ay madumi pa yung table, kaya agad naman tong si Mahal na bumaba at naghanap ng crew na maglilinis sana nung paglilipatan namen, kaso ako masipag kase ako kahit papaano at sanay naman ako sa mga gawaing bahay, so ako na naglinis nung table, after nung nilipat ko ung kalat mula dun sa paglilipatan namen, papunta dun sa pinagmulan namen. pag akyat ni Mahal, ay nagulat siya at okay na ung paglilipatan namen, napasimangot pa at sayang daw na naghanap pa siya ng magliligpit hahaha. 

Habang naghihintay kame dun sa mga pagkain namen, nagkwentuhan kame. kinuwento ko sakanya yung pagseselos ko, at todo asar pa ko sakaniya na "de wala! magsama na kayo ng kalaguyo mo huhuhu, sanay naman ako e! sanay na kong iniiwan niyo huhuhu", eto naman siya, panay I Love You saken, haaaay nakakalambot ng puso. hahahaha.

Dumating na yung unang inorder namen. ang Nachos, at yung Macha Milkshake niya. sa unang tingin ay hindi siya nasatisfied at para bang kulang. So dahil trending ang "Picture Before you Eat" yun nga ung ginawa ko hahahaha. Sorry na hahaha. After ko mag picture, syempre binanatan na namen ung nachos. Quality rate 5/10 para saken. nakulangan ako sa pagluto nila nung meet, at kinontian nila yung cheesy sauce nila. so 5 lang yung score nung nachos nila para saken haha.

habang nagkekwentuhan kame, ay nagsusubuan kame ng nachos, nang biglang may malakas na hiyawan sa kabilang table. "HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU". 
Kaya naman pala sila marami, e birthday nung isang kasama nila. Nakakamiss din pala yung ganun. Birthday mo at kasama mo yung buong tropa mo na nagcecelebrate kayo. ilang taon na akong hindi nagcecelebrate kasama ng mga tropa ko. Feeling ko nga iilan lang talaga sila, e busy pa hahaha.

Ilang minuto ang lumipas at heto na, dumating na ung mga kulang na orders. Yung Dalawang Burger at ung Rootbeer float ko. Moment of truth hahaha
gumagat ako ng dalawa sa Aloha ko, Ito ay may isang slice ng pinya sa taas ng patty, may bacon, may letuce, at creamy cheese. Oo, naging Aloha lang siya dahil sa Pinya!, Masarap siya, pag nakagat mo siya as a whole, May bun, may pinya, may patty, may bacon, at may letuce. dun mo lang maaappreciate ung pagiging burger niya. Pero oras na mawala na yung Pinya, medyo nakakaumay na siya. Yun kay Mahal naman, Melted cheese, mushroom, burger, bacon, at may nakalimutan akong dalawa. Masarap yung burger niya hahaha. 
Kada dalawang kagat namen, ay nag susubuan kame ng burger namen. ganun kame hanggang sa naubos na namen ung burgers. grabe sa halagang 85 at 90 para sa ganung klase ng burger, busog ka na, swak pa sa budget hahaha. P.S, kasama nung burgers ay may 5 pieces ng pringles hahaha

Nabusog ng todo si Mahal. hindi niya inaakala na yung jinudge niya na parang hindi pa sapat samen, e mabubusog siya. ilang minuto lumipas ay inantok siya, at nag-ask na mag pa-power nap daw siya hahaha. natulog sya saglit dun sa table, ako naman e pinagtritripan ung isang plato dun,
gamit ang ketchup, sinulat ko ang katagang "CALL ME" tapos gamit ang hotsauce "X" at gamit ang mustard "O", "XOXO"
tapos nilapit ko sakanya. natawa sya sa ginawa ko, at pinicturan ko siya. grabe, ang landi nung isang pose niya, na para bang nang-aakit talaga. hahaha. iba talaga ang kamandag ng mahal ko.

Umalis na kame sa Sabroso. Habang naglalakad ay nadaanan namin yung simbahan ng Our Lady of Fatima. hinila ko siya papunta doon. sakto, nag mimisa sila, pero hindi kame nakimisa. nagdasal lamang kame. 
Habang nagdarasal, ay pumuwesto ako sa likod niya. taken na mas maliit siya saken kaya ko ginawa yun. Nagdasal ako, pinagdasal ko siya, at ang mga pwede pang mangyari samin. pinagdasal ko din yung mga tao sa paligid ko. lahat ng kasihayan nila, lahat ng mga kelangan nila, lahat na. pero ang pinakafocus talaga ng dasal ko ay para sa Mahal ko. "Lord, Salamat po sa araw na to. salamat po sa pagkakataon na nakasama ko nanaman yung taon mahal na mahal ko. Salamat po at hanggang ngayon eh, Mahal parin po niya ako. grabe ka po Lord, the Best ka po. Sana po gabayan niyo po siya sa lahat ng ginagawa niya, Tulungan niyo po siya sa mga panahon na nangangailangan po siya, and Lord, kahit wag niyo na po akong pansinin, basta po eh alagaan niyo po itong Mahal ko. 
Ayaw ko po siyang makitang malungkot, nasasaktan, nahihirapan. sana po tulungan at gabayan niyo po siya ng maigi. I Love You Lord. P.S, kahit eto lang po yung akin, hm sana po umabot po ako ng 12 units ngayong term. salamat pooo". Nung natapos ako magdasal, si Mahal ay nakapikit paren. Hinalikan ko siya sakaniyang balikat, at leeg. at inakap ko siya. tapos nag end na ko ng prayer ko. 
tumagal pa kami ng ilang minuto dun dahil hindi pa siya natapos magdasal. grabe manalangin si Mahal hahaha, hindi siya likas na nagsisimba, pero at least ngayon e bumabawi na siya kay Lord, o Diba :D .

Pagkatapos namin magdasal, ay naglakad na kame patungo sa Bacood/Punta bridge. Habang naglalakad papunta dun e, bakas sakaniya yung pagkabangag niya na tila ba naka-inom siya. Grabe talaga nagagawa ng Antok sa isang tao hahaha. Nagtatanong siya saken kung ano bang gagawin ko pag nalasing siya. Ang sabi ko naman sakanya ay ipapasan ko siya sa likod ko at idederecho ko siya sa bahay ko. Syempre hindi ko siya pagsasamatalahan, AMBAIT KO KAYA!. tapos pinasampol pa saken, o diba? so sabe ko sakanya, sige talon ka sa likod ko. so tumalon nga sya sa likod ko, at binuhat ko siya, e nagkataon na marami kaming nadaanan na mga tao, so nahihiya siya bigla, at nabuhayan ng dugo hahahha. "Mahal ibaba mo na ako please, okay na! OKAY NA!! IBABA MO NA AKOOO!!! WAAAA" nakakatuwa siya habang nagpupumilit bumaba, pero siguro nga kung lasing siya, magiging masarap ung tulog niya sa likuran ko. Kelan ko ba siya malalasing? hahah
binaba ko siya, at naghawak kamay kame, ilang minuto nag-usap kame. Grabe siya, ang cute cute niya talaga pag mukha siyang lasing, parang bata talaga hahaha. 

Meow: Mahal, anong gagawin mo pag nalasing ako?
Ako:    Dadalhin kita sa inyo, ay teka, sa amin na lang pala. at baka amgwala yung mga Tito at Tita mo.
Meow: e anong sasabihin mo kina Tita? (mama ko)
Ako:    Edi makiki-overnight ka at lasing ka hahaha
Meow: hahaha tapos sasabihin ko, Titaaaa! ako po yung hihihi, ako po yung pinakilala ng anak niyo               po na kaibigan na ka-ibigan niya po talaga hihihi
Ako:    hahampasin kita ng kawali para sure na di ka makapagsalita
Meow: Tito! yow! Mahal na mahal ko po yung anak niyo hahahahha!
Ako:    pati tatay ko dinamay mo ha hahahaha
Meow: Ate! ang ganda ganda mo po :">
Ako:    pati ate ko dinidiskartihan mo hahaha
Meow: hahahahhahah tapos sisigaw ako na mahal na mahal kita hahaha
Ako:    okay lang, edi sasabihin ko na lang din sakanila na totoo, na nth months na tayo haha.
Meow: ayyyiieee ang sweet sweet ng Mahal koooo
Ako:    anong sweet? pagkatulog mo, pupunasan pa kita ng malamig na tubig, tapos pagkagising mo,             wala ka ng saplot. tapos magigising ka kase ginagahasa na kita hahahaha
Meow: sige ngaaaa
Ako:    sige ganyan ka! tease ka masyado, paasa ka talaga
Meow: Hindi naman eeeee

Grabe, ang kahit kelan talaga hinding hindi ako magsasawa dito sa Mahal kong to hahaha. Kelan ka ba nakakita ng inaantok lang, e kung umasta na e lasing? HAHAAHAAH

Nasa Bridge na kame, kinuwento ko sakaniya yung tungkol sa batang nahulog dun sa bridge dahil bumigay na yung ilan sa mga kahoy neto. Nung una ay para bang hindi siya naniwala. tapos habang naglalakad kame, e lumakas ung pag sway nung tulay.  sabe ko sakanya ay dahan-dahanan namen at mukhang kame yung nag aalog ng bridge. (Weight wise). at ayun nga, kami nga naman pala talaga hahaa. Natuwa siya nung una dahil yun daw naman pala yung feeling pag nalalasing ka, pagewang gewang. Tapos nung humakbang siya, ay naramdaman niyang sa harap nung tinatapakan niya ay walang kahoy. bigla siyang nangilabot hahaha. habang naglalakad ng tuluyan, ay tinuturo ko sakaniya ung mga alanganin na mga kahoy, at ung mga inaayos nila last week. grabe, ingat na ingat na siya at natatakot mahulog. sino nga ba gustong mahulog sa mabahong ilog diba? hahahah

Nakarating na kame sa dulo nung tulay, bumaba kame ng hagdan. sa gilid ay may mga nag babarbeque, gusto ko sanang bumili, kaso gusto ko na siyang ihatid pauwi para maiwasan ng awayin siya ng Tito at Tita niya. sa tapat nung gate patungo sa tulay, ay may magandang bahay. tinanong ko siya kung gusto ba niyang ganun yung bahay namen sa hinaharap. ang sabi niya ay ayaw niya daw ng masyadong masikip. gusto niya daw e yung may espasyo, may garden, para bang pang probinsiya. tapos nagsabe ako sakaniya, "tapos ung gitna nung garden naten mahal, gusto ko may puno ng santol ha" nagulat siya, at napatanong ng "Bakit puno ng santol?", ika ko naman "E pag puno ng santol, ginagawang bahay ng gma duwende". ika niya " Mahal naman eeeee"  sabay tawa haha. 
Marami na kaming napag-usapan dun sa mga dinaanan namen dati, etong lugar na to papunta dun sa Kalahi St. ay kung saan na-open up ko sakanya na gusto kong maging assassin at gusto kong patayin lahat ng religious order. pagkapatay ko sakanilang lahat, edi wala ng religions, bagong era na yun para sa lahat. baka mga maging posible na yung UNITY. tinatawanan niya ko sa idea ko na yun. ewan ko ba kung bakit paren niya ko natritripan, e may tendency nga akong maging mamatay tao. san ka pa diba? hahah

Marami kaming napag-usapan, buhay sa probinsiya, tungkol sa 7:00pm palang e sarado na lahat ng tindahan, at tulog na lahat ng tao. nakwento ko din sakanya na nung nasa pangasinan kame ng ate ko, ay napadayo pa kame ng dalawang bayan para lamang makahanap ng bukas na tindahan ng 11:00pm. at dun sa tindahan na yun, ay may pumorma pa sa ate ko na mas bata sakaniya haha. iba talaga appeal ng ate ko, pang Diyosa talaga haha.
napagkwentuhan namen yung tungkol sa pinsan at kapatid niya, at napagkwentuhan din namen yung kung anong mangyayare pag nagpaturo ako dun sa nanay niya magluto ng lumpiang sariwa haha.

Ako:                        Tita, maaari ho bang magpaturo magluto ng Lumpiang sariwa?
Nanay ni Mahal:     Sino ka?
AKo:                       Future Son-in-Law niyo po hahaha
Nanay ni Mahal:     Wala akong anak na babae! 
Ako:                        *evil smile* meron ho, dalawa
Meow:                     GRABE KAAAAA MAHAL HAHAAHHAHAHAH
AKo;                       tapos po yung isa, malapit na din HAHAHAH
Meow:                     GRABE KAAAAA PATI YUNG BUNSO NAMEN!!!
Ako:                        Grabe Mahal, hahabulin ako ng itak ng nanay mo niyan hahahaha
Meow:                     Hay nako mahal, hahabulin ka ng shotgun ng nanay ko
Ako:                        Mahal, takot yung nanay mo sa putok ng baril, kaya hindi niya ko hahabulin                                         gamit yun
Meow:                     Planado mo na talaga no? 
AKo:                       Kelangan handa ahahahhaa

Grabe ang naging tawanan namin dahil sa convo na to hahaha

Sumakay na kame sa terminal ng bangka paputang pandacan. at habang nagpaparami pa ng pasahero yung magtatawid samen, kami ay pumuwesto dun sa dulo ng bangka. siya sa pinakadulo. yumakap siya saken, at pabulong na nagsabe kung gaano niya ko kamahal. ang sarap sa pakiramdam na ganun pala yung mahal ka ng todo ng taong Mahal mo. hindi nakakasawa, at paniguradong hindi mo din susukuan.

Meow:    Mahal na mahal na mahal po kitaaa Mahal kooo
Ako:       Mas mahal kita, at alam mo yan 
Meow:    De, mas mahal kita to the infinity and beyond
AKo:      Pano yan e infinity and beyond doesn't exist, so meaning di mo ko mahal. Grabe talaga
               pinagpalit mo na talaga ako sa kalaguyo mo huhuhu
Meow:    eeeeehhhh basta it exist! hahahaha
Ako:       I Love You Mahal kooo, mahal na mahal po kitaaa
Meow:    Salamat po ngayong araw Mahal ko ha
Ako:       ikaw pa? hahah

Take note: habang kausap niya ko, e tunog lasing paren siya hahahaa.

Umandar na yung bangka, at pag tawid namen ay lahat ng kasabay namen ay umexit pakanan. ako naman ay malaro, so dun ako umexit pakaliwa hahaha. napatanong siya kung bakit din, at sinabe ko namand in sakaniya kung bakit haha. nalakad kame ng magkahawak kamay, dama ko na din naman yung pagod niya, at bandang bukanan na ng area nila, e bumitaw na kame sa isa't isa. teritoryo niya na ito, at pareho kaming tago. Tago sa mga taong mababaw ang konsepto ng pag-ibig at realidad. habang naglalakad kame, ay dama ko na din na malapit nanaman kaming magkalayo...
hinalikan ko siya bago pa kami lalo pang makalapit sa bahay nila, alam kong ito nanaman yung isa sa mga pagkakataon na malalayo nanaman ako sakaniya..

Dati walang kaso saken pag iniisip ang tungkol sa Long Distance Relationship. pero ngayon, ayaw ko ng mawalay pa sakaniya, kahit isang araw... Ang hirap din pala no. Alam mong Mahal na mahal mo na yung tao, pag ayaw mo ng mawalay sakaniya, nagiging madamot ka na din sa attensyon niya, ayaw mo siyang mawala kasi ganun mo siya kasobra kamahal.

November 23, 2016
PandaXMeow






Sunday, November 20, 2016

Nagseselos ako

Mahal kita.. Mahal na Mahal kita.. 
Sa iilang mga tao na aking nakarelasyon
Sa iyo ko lamang ito nadama
Ikaw lang yung gusto kong ipagdamot
Ikaw lang yung gusto kong palagi kong kasama
Gusto ko akin ka lang, akin ka lang...

Ngunit ano ba magagawa ko..
Oo alam kong wala naman akong dapat ika-lungkot...
Oo alam kong wala naman akong dapat ika-selos...
Kaibigan ko lang naman yung iyong sinamahan at tinulungan..
Andoon din sana ako, kaso kelangan din nila ako dito..

Ayokong magselos... Ayokong maging maramot..
Pero natatakot ako... Paano kung magustuhan mo siya?
Paano kung mabigay niya yung mga bagay na hindi ko kaya?
Paano kung maging mas masaya ka sakaniya kahit saglit lang kayong nagkakilala.. 
Paano tayo... Paano ako...

Ayoko magselos... pero nalulungkot ako
Unang beses ko lang mabaliw, kakaisip ng ganito..
Unang beses ko lang nakaramdam na may gusto akong ipagdamot..
Sana akin ka lang... akin ka paren...
Sana ako paren yung mahal mo... sana hindi ka nagbago..

Alam kong nag-iisip lamang ako ng matindi...
Alam kong Mahal mo paren naman ako...
Alam kong dapat wala akong ipag-alala...
Pero bakit ganito? ang bigat sa pakiramdam na may iba kang kasama...
Iba yung nakasama mong nakatawa...
Iba yung nakasama mong pumunta sa mga lugar na bago sayo..
Iba yung nakasama mo sa mga lugar na sana tayo ang andun..

Nakakalungkot.. nakaka-iyak... 

Oo..
Nagseselos ako...
Nagseselos ako kasi iba ang nakasama mo
Nagseselos ako kasi ayokong mapunta ka sa iba
Nagseselos ako kasi iba ang iyong nakasama

Sorry ha... 

Alam kong wala naman akong dapat ipagselos...
Bago lang din sakin ang pakiramdam na ganito....
Ngayon lang din ako namulat sa ganitong pakiramdam...
Ngayon lang akong natakot na mawalan ng taong sobra-sobra kong Mahal..

Mahal kita...
Mahal kita ng sobra-sobra...
Sorry kung hindi ko to masabi sayo ng direkta...
Ayokong malungkot ka...
Ayokong ibahin mo yung sarili mo para lang sa aking nadarama..

Mahal kita.. Mahal na mahal..
Sana.. wag kang mawawala...

PandaXMeow